Alam niyo ba ang bansang pilipinas ay kilala bukod sa mga magagandang tanawin at kilala rin ito sa mga produktong pagkain na makapagpatindig-balahibo sa sarap na hinding-hindi mo ito makakalimutan dahil bukod sa subrang sarap at mura lang itong mabibili.
Nandirito ang ilan sa mga sikat at pangunahing produkto ng bawat lungsod ng Pilipinas. Tara samahan niyo ako.
BINAKI
(Cagayan De Oro)
Ang binaki ay galing sa bukidnon ngunit sumikat din ito sa Cagayan De Oro na kung saan ito ay binabalikbalikan ng mga turista. Isa rin ito sa karaniwang panlaban sa pagdating sa kakanin dahil bukod sa madaling gawin at madali lang din hanapin at mura lang din ang mga sangkap. Kaya naman marami ang naiingganyo na magbenta nito.
Kaya ano pa ang iyong hinihintay punta na sa Cagayan De Oro at tikman ang kanilang sikat at masarap na binaki.
BIBINGKA
(Camiguin Province)
Alam niyo ba na merong dalawang paraan sa pagluluto ng bibingka dito sa Camiguin Province? una ay sa pamamagitan ng pag "steam" o pagpapasingaw at ang pangalawa ay sa pamamagitan ng karaniwang paraan na pagluluto sa apoy mula sa uling o bunot ng niyog. Magkaiba man ang dalawang paraan tiyak naman na parehong masarap.
Tara pasyalan na natin ang Camiguin Province at tikman ang pinakamasarap na bibingka sa buong Pilipinas.
PANCIT CABAGAN
(Aparri, Cagayan)
Ayon sa ma taga dito,merong history ang pancit na ito. Ang produktong ito ay may pinanggalingang salita kaya maiimbento ito. Ang pansitay nagmula sa isang chinese origin. Taong 1987,isang grupo ng mga chinese traders ay responsible sa paggawa ng pansit sa Cabagan. Siya si Sia Liang nakilala bilang Dianga. Si Dianga ay nakapangasawang filipina na nagngangalang Augustina Deray Laddarwnna kung saan siya ang nagpatayo ng panciteria sa Cabagan noong pre-war period. Kaya naman dinadayo ito ng mga turista dahil sa taglat nitong sarap at lasa nito.
Kaya ihanda na ang iyong pera at sarili para puntahan ang Cagayan at tikman ang Pancit Cabagan.
DURIAN ICE CREAM
(Davao, City)
Ang produktong ito ay gawa ng Dabawenyo. Masarap sa panglasa sa mga matatanda at kahit na mga bata. Ang ilang sa mga produktong ito ay natatagpuan lamang sa Davao, kaya kinakailangan niyong bumisita at bumili ng iba't-ibang produkto ng Davao. Hindi talaga kayo magsisisi pagnatiknam muna ang Durian Ice Cream na ito.
Kaya punta na sa Davao at magsaya sa mga produkto ng Davao City.
TOASTED SIOPAO
(Calamba City, Laguna)
Isa sa mga pinakakilalang terminal at stop over sa South Luzon ay ang Turbina Terminal sa Calamba City, Laguna. Alam niyo ba na mabibili at matitikman na rin dito ang pinakasikat at kakaibang meryenda ng mga taga dito ay ang Toasted Siopao ng 3N Bakery na orihinal ay nagmula sa lungsod ng Bicol.
Kuha na ng mainit na kape o malamig na ice tea at tara tikman na ang masarap na Toasted Siopao ng Calamba City.
Ang mga produktong ito ay kinakailang tangkilikin dahil may malaking ambag ito sa ating bansa upang umunlad at makaahon sa kahirapan at isa rin itong nagpapakita na kung saan pinapangalagaan at minamahal natin ang mga gawang produkto ng pilipino. Tangkilikin natin ang sariling atin sapagkat ito ang mabisan susi o pamamaraan para sa ikakaunlad ng bansang Pilipinas.
No comments:
Post a Comment